Dec 16, 2013

Hubby's Surprise Christmas Gift

Like what i've said in my previous post, hubby surprised me with that white box when i arrived at home from party that we attended in Makati.

The white box

I was really surprised, muntik na nga akong maiyak when i thanked and kissed hubby while he's in bed. Sabi pa nya, 'bat ganyan reaction mo? Hindi mo ba gusto?' After ng usapan namin natulog na kami kasi late na rin at may pasok pa sya kinabukasan.


The morning after, saka nya binigay sakin yung paper bag ng Time Studio.

Eto yung Package.

Inside that white box is a watch for women na new design ng lacoste :)


Ganda!!!!

When worn...

Eto ang nakakaloka, nakalagay sa box ang resibo... hehe. Pinapabayaran yata sakin ng loko ang relo or gusto lang nya ipakita kung magkano ang bili nya... Pwede naman i-check na lang sa mall dba?


Kaya daw nya nilagay sa box yung receipt kasi for sure daw papabawasan ko yung watch kasi maluwag sakin. Nung binili daw nya yun, the saleslady asked him daw kung babawasan, sabi nya wag na lang daw at ako na lang daw ang magpapabawas para sa sukat.

Yun naman pala ang reason kaya nilagay nya ang receipt... That day, pumunta nga ako ng southmall para bawasan yung bracelet ng watch and i liked it very much.

Thanks Hubby for giving me new watch. Ano kayang bibigay ko sa kanya?

Any suggestion?



No comments:

Post a Comment