Oct 15, 2008

weekend plan 10.10.2008

When Im off to office last Friday, I am thinking of what I am going to do for the coming weekend and it’s long weekend for us coz Monday is another rest day kasi wala na nman kaming pasok (holiday sa US).

Here’s goes my plan:

Saturday after office:

Plan 1: Dine out at Dencio’s across our building with some of my team-mates.

- hindi naman ako nakasama kasi sinamahan ko yung pinsan ni badz sa meeting, they’re planning to put up a tutorial business center near Southville school since nagtu-tutor na rin naman sya sa ibang students ng Southville.

Plan 2: Matulog pagdating sa house pra paggising sa hapon aalis ulit pero di pa alam kung san pupunta.

– pagdating ko ng lunch sa house natulog muna ako hanggang mga around 5pm then after that nagpunta naman ako sa house ng pinsan ni badz. Since wala pa si badz dun n lang muna ako nag-stay at dadaanan na lang nya ako dun after work nya pra sabay kaming uuwi.

Sunday:

Plan 1: Attend the Sunday mass at Philam church.

- since I need exercise, nagsisimba ako sa philam ng 6:30am pero take note, naglalakad lang ako from house to philam church (I guess it’s 30 minutes walk kaya 6am pa lang naalis na ko ng house pero last Sunday I wasn’t able to attend the mass kasi nag-day-off ang yaya ni Tami, she needs to go to her Lola’s house para magpadala ng pera sa parents nya, in the end natulog na lang muna ako since tulog pa din naman sila badz.

Plan 2: DVD marathon

- 8:00am ginising na ako ni Badz para mag-breakfast and maligo na rin kasi we’re having dvd marathon sked. 7 movies to watch: Postal, 20 years later, The Promotion, The Viper, Bank Job saka may dalawa pang horror kaya lang nakalimutan ko yung title. Grabe Sumakit mata ko dun ah, walang labasan ng kwarto, wiwi at kain lang ang pahinga. Si tami naman masyadong busy sa paglalaro.

Monday:

Plan 1: Magpagupit and mag-online to check my emails and to visit na rin my blog and friendster since mejo matagal na din akong hindi nkakapag-online.

- Sa pagod sa dvd marathon, late na ako nagising at hindi natuloy ang plano ko na magpagupit at mag-online. Naisip ko later n lang since wala naman kaming pasok that day.

- Nanood na lang ako ng discovery channel at travel and living.

Plan 2: Mag-sm

- while watching tv, katext ko pinsan ni badz and nagkasundo kami na mag-sm. 3.00 pm tinext nya na ko na magkita kami sa house ng pinsan ni badz sa ocampo. Sa sm, nagwidraw lang ako sa bpi then nag-sbarro, ang tagal namin dun. Inabot kami ng almost 3hrs at nagkwentuhan lang kme dun about sa coming trip nya sa Malaysia and ini-encourage nya ko to push the CNI business kaya lang di ko sure kung kaya ko with my work at kung anu-ano pa ang pinagkwentuhan namin.. para hindi naman nkakahiya sa tagal namin, nag-take-out n lang ako ng pizza para sa house since nagbilin si badz na bilhan ko sila ng pizza. Later ko na lang naisip na ang laki na pla ng nagastos ko dun…hehe..

- Pagdating ko ng house nagkwentuhan kme ni Badz sa dining habang kinakain nila yung pizza. After that naglaro na sya ng psp at ako naman ay nag-online na sa laptop. Magupload sana ako ng pics kaya lang umandar na nman ang katamaran ko. Pagka-check ko sa email and friendster ko, naglog-out na din ako para manood ng tv, makinig ng music sa ipod at magmuni-muni kung ano ang gagawin sa bday ni badz.

No comments:

Post a Comment