Oct 19, 2008

ang malas ko today!

Sa Starmall Las Piñas.....
12:45 pm kami dumating ni Badz d2 para ipagawa yung cel ko at magpa-download sya ng games sa psp nya...from 12:45 to 2:30 pm hindi pa rin tapos gawin, sobrang tagal na namin naghihintay sa gumagawa ng cel hindi pa rin nya magawa. hindi ko alam kung malala ba ang problema nung cel ko or hindi lang talaga sya marunong gumawa...
kung titingnan mo parang ang simple lang nung problem ng unit ko - ayaw mag-charge and at the same time when you turn on the power, white screen lang yung nalabas.. naiinis na ko ha...sakit na ng paa ko...tinanong ko si manong kung bakit ang tagal, sabi nya hinahanapan pa nya kung pano gagawin yung telepono ko kasi 50/50 daw, its either magawa or hindi!...
grabe na to ha! P2,500 ang singil nya pero sobrang tagal gawin...sabi nya balikan ko na lang daw after an hour kasi sasamba pa daw sya...what the heck! bad trip talaga! siguro napansin ni Badz na mejo naiirita na ko kaya para daw makaupo ako mag-internet na lang muna ako sa internet cafe habang sya naman nagpapalagay ng games sa psp nya...
kaya eto ako nag-iinternet....ngaun habang nag-iinternet ako naiisip ko kung pano kung hindi magawa yung telepono ko, anong gagamitin ko? waaaaahhhhhh!!!! ayoko ng walang telepono!....nung papunta ako d2 sa internet cafe tumingin ako ng celfone sa isang celfone stall....meron daw silang tig-1,500 na unit....di ko lang alam kung anong unit yun basta nokia....naisip ko pwede na siguro yun for the meantime... pero naiinis pa rin ako sa nangyayari....
ilang oras na kami d2 sa starmall...grrr....


No comments:

Post a Comment