Nov 8, 2013

I feel blessed!


HI GUYS! 

Grabe hindi na ako marunong mag-blog ah! Its been a while no? To be honest, ayoko na sana mag-blog kaya lang nung makita ko yung earnings ko sa Adsense last month, ginanahan ako bigla kasi i never expected na malaki na pala... Thanks to my other BLOG na naging medium ko sa work ko na nakakadagdag sa traffic ng account ko... Talk about $$$. hehe. Anyway, yun nga im going to blog again.. But before i start anew, let me make kwento of what happened nung absent ako sa blog world.

Its been 18mos when i leave the corporate world and i never thought na babalik ako sa Sales. Hubby encouraged me to Sales kasi d2 raw ako magaling (ang mambola). So i try Real Estate then. 

Who am i to complain about Sales kung lagi naman akong may benta monthly at lagi din akong may award for being Top Property Consultant dba? I know what you're thinking.... Mayaman na ako kasi nasa real estate ako... "I INVOKE MY RIGHT AGAINST SELF-INCRIMINATION"... Ala Janet Napoles lang ang Peg. hahaha. Seriously Hindi po, Kahit malaki ang kita sa real estate may mga bills din kaming binabayaran.


Did you know that we moved in to our own house last May? Yup kasi nagka-problem si Father-in-law at ayaw na rin nila tumira sa bahay sa Las Pinas kasi the house is too big for the two of them kaya they moved also in Molino, sa bahay nga lang ng hipag ko para may kasama yung pamangkin ko kasi yung hipag ko at husband nya are both seaman. Grabe 7mos na pala kami d2 sa bahay...

Taken last July yata to...

My cousins dropping by here in our house. Since walking distance lang kami sa SM Molino at Daang-Hari, they visit us whenever they go to Tagaytay or Evia in Daang-Hari. 


You know what? I realized na Sales talaga ang forte ko and aside from the money that im earning here, Super enjoy ako. Mahirap ang sales at talagang nakakapagod pero i feel really blessed nung pumasok ako sa real estate industry. Aside from the money, here are some reasons why im happy with the decision of going back to sales.

Nagkaron ako ng time sa family ko.

Tami and Badz in Tom's World before doing grocery.

Eating out anytime kasi wala akong iisipin na work.
  
Nakaka-join na ko sa mga relatives ko. Before kasi nung may work pa ko minsan hindi ako makasama kasi masyadong busy.

Hacienda Isabella after Tami's Birthday (April 19)

Nakakasama ko anak ko at nakaka-attend ako ng school activities nya na hindi ko magawa noon.




In this industry, ang dami kong nami-meet na klase ng tao. I met ordinary employees to big boss to business owners na nagiging clients ko.

Nakakapunta rin ako to other places because of the developers for free :)

Hacienda Escudero with my co-agents

Sorry eto lang pics kasi kinuha ko lang sa FB ko. hehe...

Trying this Fresh Lumpia that was featured in Kris TV.

Nakakapunta na ko sa divi at quiapo anytime i want. Dati every weekend lang, ngaun anytime pwede na... hehe


Nakakapaglaro na ulit ako ng bowling with my colleagues. Kasi ba naman Philippine Player ang manager ko kaya weekly nasa Rob Place sa Manila or Alabang sila to play Bowling, ako nasama lang pag may time... hehe


And lastly, whenever i feel bored at walang magawa tambay lang sa bahay. Manood ng tv, kain, mag-computer at mag-isip kung ano ang gagawin.

Hayahay ang buhay...

Wag ka, hindi porke't nakahiga ako eh wala akong ginagawa sa bahay. Wala kaming maid no kaya ako si Maya ngaun at ang asawa ko si Ser Chief, isama na rin si Abi (Tami). 

Ako lang naman ang tagaluto, tagalinis ng bahay at tagalaba. Thank God naimbento ang washing machine! haha... Pag may client ako at hapon na ko makakauwi, iniiwan ko si tami sa mga byenan ko na d2 lang din sa phase ng subdivision namin nakatira tapos nabili na lang ako ng food sa SM molino kasi di na ko makapagluto sa pagod but at the end of the day, im still thankful sa pagod kasi kung walang pagod, walang datung! Korek?

O sya! magluluto na ko at padating na si Ser Chief. Till next blog!


No comments:

Post a Comment