Jul 9, 2019

Im back to Blogging!!!



Yes! Im back to blogging!!!

Not because that I really want to but staying at home is boring! hehe. Wala ako magawa!

I am on my second month pregnancy (third child) and 2 weeks ago I experienced spotting twice. My OB advised me to rest and gave me lots of medicines. Nasira tuloy lahat ng plano ko :( Hindi ako makapag-work ng maayos and di ako makatambay sa office at sa mga gusto kong puntahan. hehe. Di ko tuloy alam hanggang kelan ako ganito… Sana naman not the entire duration of my pregnancy kasi may travel pa kami ng November and hopefully payagan ako ng OB ko *crossfinger*

Ano nga ba ang ginagawa ko sa house ngayon?

1. Nanonood ako ng Koreanovelas and mind you naka-3 koreanovelas na ko in my almost 2 weeks stay in the house. Minsan napupuyat pa ko, napapagalitan tuloy ako ng asawa ko. hehe
2. Watching TV. Well, dati hindi ako nakakanood ng tv dahil lagi ako sa field pero ngaun kumpleto ang episodes ng Showtime and Kadenang Ginto. Nasundan ko na nga ang story ni Daniela and Romina eh... Minsan pati Los Bastardos… hehe
3. Minsan FB, pero di rin ako nakakatagal magbrowse kasi puro ads lang din nakikita ko.. Konting browse tapos mag-ads lang ako then stop na ulit… Di tuloy ako masyado updated sa tsismis unless someone mentioned my name :)

I decided to blog again para may outlet naman ako ng thoughts and rants ko sa buhay… hahaha. Not that im having a hard time.. Sobrang blessed nga ako… Wala lang ako magawa… Sana tumagal pa pagba-blog ko :) At sana magkaron na ulit ako ng audience and followers...

Abangan ang susunod na blog :)