Last week, a Toy Kingdom catalogue arrived in our doorstep, it was the list of toys from Toy Kingdom. The kids here drool over the toys and Tami goes gaga kasi hindi nya maisip kung ano ang papabili nya sakin. Naloloka ko sa anak ko. She's 5 years old now going 6. In her 5 years of existence, hindi ako namroblema kasi hindi pa sya marunong magpabili, almost all her toys and clothes are given by my cousins and relatives abroad. In short, nakatipid ako for 5 years...
Now that Tami knows everything, kinakabahan na ko whenever we're in mall or any store. Kasi ang daming pinapabili, spoiled kasi sya sa mga inlaws ko and in my family and relatives. Yun na nga, dumating yung Toy Kingdom mail at ang anak ko walang ginawa kundi pumili at ipabili sken yung mga gusto nya kaya im wishing of a gift registry for christmas :)
2 pages from total of 25 pages... O dba? Maloloka ka sa dami... what more pa kung nasa toy kingdom mismo ang kids?
Let me show you kung ano ang mga pinapabili nya, kung mayaman lang kami lahat yan bibilin ko kaso hindi naman kami mayaman to afford all those ng isang bilihan lang...
Para daw to sa room nya sa new house namin...
Because Sean likes this toy, kaya gusto na rin nya..
Eto matagal na nya tong hinihingi sken, he even asked his Lolo to buy this for her, aba ang byenan ko oo naman agad, eh narinig ko kaya ayun hindi sya nabili... Hay naku, kahit afford kong bumili nito ayoko pa rin kasi parang delikado to sa kids...
I think my daughter likes gadget... I talked to her after she pinpoint this toy:
Tami: Mama, i want this one (with matching paawa face)
Me: 1 toy lang from me, anong gusto mo? Ipod Touch o yan?
Tami: Ipod Touch.. (in a small voice)
Me: Ipod touch pala eh... eh di hindi na pwede yan..
Tami: Ayyyy... Bakit?
Me: Kasi wala tayong pera...
Tami: konti lang pera natin?
Me: UU
Eto na lang daw :(
kitchen...
Eto na lang daw kasi ayaw daw sya pahiramin ng papa nya ng iphone...
Eto ang pinakagusto nya... Playdoh na meron nung mga machine na nagke-create nung mga shapes or something just like in the picture...
And when she saw this hello kitty, gusto rin nya.. Nung tinuro nya to, sabi ko sa kanya cge yan na lang, mura eh... haha
So she holds on to my promise na i will buy her hello kitty stuff (Thanks to Divisoria!)... After a while i heard her talking to her Mommy (her lola) nagpapabili din... haha..
Kinukuwento sakin ni Mama during our lunch na nagpapabili daw sa knya si Tami nung Nintendo DSi Lite, nung sinabi daw ni Mama na bakit daw sa knya nagsasabi si Tami at bakit daw hindi sa Papa nya, sabi daw ni Tami "Konti lang kasi pera ni Mama ska babayad namin sa house" :)
Very well said Tami!
Images are from Toy Kingdom and Toys R' Us.
No comments:
Post a Comment